Month: Abril 2024

Pitong Iba Pa

Noong Enero 2020, napabalita ang pagkamatay ng sikat na basketball player na si Kobe Bryant dahil sa pagbagsak ng helicopter. Karamihan sa mga balita ay ganito ang sinasabi, “Namatay sa isang aksidente ang sikat na manlalaro na si Kobe Bryant, ang kanyang anak na si Gianna, at pitong iba pa.”

Kalimitan sa mga ganitong balita ay mas binibigyang pansin natin ang…

Nais Ng Kausap

Noong 2019, inilunsad ng Oxford Bus Company ang tinatawag na “Chatty Bus.” Isa itong bus na may mga nakasakay na taong makikipag-usap sa mga pasaherong nais magkaroon ng kausap. Inilunsad ito dahil batay sa pananaliksik, 30 porsiyento ng mga Briton ang walang nakakausap kahit isang araw lamang sa buong linggo.

Marami sa atin ang nakakaranas ng pakiramdam na mag-isa dahil walang nakakausap.…

Permanenteng Tirahan

Kamakailan lamang ay lumipat kami ng bagong tirahan. Hindi ito kalayuan sa aming dating bahay. Pero kahit malapit lang ito, kailangan pa rin naming mag-arkila ng sasakyan para mahakot ang mga gamit namin. Ilang araw ding nanatili sa sasakyan ang mga gamit namin dahil sa napatagal na pagproseso sa pagbili namin ng bahay.

Pero kahit tila wala kaming permanenteng bahay…

Tunay Na Kabutihan

“Kumain ka na ba?” Ito ang malimit mong maririnig kapag bumisita ka sa isang bahay dito sa Pilipinas. Isa itong paraan ng pagpapakita ng paggalang at kabutihan nating mga Pilipino sa ating mga bisita. Kilala tayong mga Pilipino sa magiliw nating pagtanggap sa ating mga bisita.

Nagpakita rin naman ng kabutihan sa isang bisita si Rebeka na tauhan sa Biblia.…

Away Sa Paradahan

May dalawang drayber ng kotse ang nagsisigawan dahil ayaw magpauna ng bawat isa para makadaan. Masasakit na mga salita na ang lumalabas sa kanilang mga bibig. Ang masama pa rito ay nangyayari ang away na ito sa paradahan ng isang simbahan. Maaaring kakapakinig pa lamang ng mga drayber na ito ng sermon tungkol sa pag-ibig, pagpapaumanhin, o pagpapatawad pero nakalimutan…